ABS-CBN TVplus , may 8 million subscribers na sa buong Pilipinas

Ang ABS-CBN pa rin ang numero unong pinaka-pinapanood na TV channel, habang pangalawa lamang ang GMA Network, at sumusunod ang TVplus exclusive channels na CineMo, Yey, ABS-CBN S+A, Movie Central, Asianovela Channel at JeepneyTV, ayon sa 2019 2Q Most Watched TV Channels among Digital Television Households survey na isinagawa ng Kantar Media Philippines.

ABS-CBN, patuloy pa ring tinatangkilik ng mga Pilipino noong Hunyo

Base pa rin ang National TV Audience Measurement at Top 10 Most Watched TV Programs sa Hunyo 2018 na audience research ng mas pinagkakatiwalaang audience measurement agency na Kantar Media Philippines, na gumagamit ng nationwide size panel na 3, 500 na mga urban at rural na kabahayan sa buong bansa, at respondent base na 10, 000 indibidwal na siyang kumakatawan sa 100% ng total TV viewing population sa Pilipinas, kumpara sa 1, 980 na urban homes na nationwide size panel ng Nielsen Philippines na nakabase lamang sa mga urban na parte ng Pilipinas na kumakatawan lamang ng 57%.